Ang kapayapaan man ay malubos O dumagsa man ang lungkot, Anumang palad ang aking maabot Panatag din ang aking loob.
Ang d'yablo ma'y maglagay ng pagsubok, Pag-asa'y di makikilos, Na si Kristo ang sa aki'y sumakop At ang dugo Niya'y nabuhos.
Sala kong sagabal sa kapalaran, Inalis Niyang paminsan; Sa krus ipinako't doo'y iniwan, Kaya't S'ya'y pinapupurihan.
Pasapitin Mo Panginoong Jesus, Araw ng mga tinubos, At ang awit ng tagumpay na puspos Nang mapanatag akong lubos.